Bern Mejias Photography

Bernard's posts with tag: emcee

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag emcee
Blog EntryPaalam PaoloFeb 26, '08 8:02 PM
for everyone
Nasa Ucc kami ng wppp barkada kagabi when the news came in na nasa ICU si paolo and then after ilang saglit lang tuluyan na ngang binawian ng buhay si Pao. So sad!. napakabata pa nya pero yun ang gusto ng Dyos. Wala tayong magawa dahil ano mang oras ay talagang puede ka nyang kunin. Marami ang di nakakaalam na si pao ay dating member ng sikat na TUX group. Madalas kaming magkasabay sa mga gigs nung akoy musikero pa. Naalala ko pa na mahaba ang buhok ni pao (pareho kaming hanggang dibdib and haba) at payat pa sya nun. Makisig tingnan.Gandang lalaki ika nga.Tapos di na kami nagkita dahil nag abroad ako. Makalipas ang ilang taon, nung nasa wedding industry at nagphotographer na ako ay laking gulat ko kasi nakita ko sya bilang emcee at coordinator na . Madalas ko na naman syang makasama sa mga wedding. Kung matatandaan nyo, sya din ang "suki na EMCEE" ng WPPP Photo congress. At nitong nakaraang congress nuong October nag usap kami sa lobby ng club pilipino at tinanong nya ako kung paano ako pumayat. Sinabihan ko sya na magbawas ka lang ng kanin at tigilan mo na ang pagsisigarilyo. Tapos di na kami ulit nagkita at kagabi nga ay pumanaw na sya. Anyway ganun talaga ang buhay. Kaya Pao,Paalam sa iyo kaibigan. Marami kang pinasaya at natulungan. "Youre the life and death of a party"



© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help